Ayon kay Año, sinumang police officers na mapapatunayang guilty sa pag-solicit, pagtanggap ng regalo at pera na may kaugnayan sa kanilang trabaho bilang law enforcers ay mahaharap sa kaso.
Michael Varcas
Pulis na tatanggap ng regalo, kakasuhan – DILG
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - August 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binalaan kahapon ni DILG Sec. Eduardo Año ang mga pulis na tatanggap ng pera at regalo na mahaharap sa kasong kriminal at administratibo.

Ayon kay Año, sinumang police officers na mapapatunayang guilty sa pag-solicit, pagtanggap ng regalo at pera na may kaugnayan sa kanilang trabaho bilang law enforcers ay mahaharap sa kaso.

Sinabi ni Año, bagama’t may nakasaad sa batas na ‘exception’ dapat alalahanin ng mga tauhan ng gobyerno lalo na ang mga kasapi ng Philippine National Police (PNP) na ang buwis ng taumbayan ang ibinabayad sa mga tauhan ng pamahalaan kaya hindi na kailangan pang regaluhan.

Hindi lamang ang mga pulis kundi maging ang mga empleyado ng DILG, Local Government Unit (LGU) na tatanggap ng regalo o pera habang ginagampanan ang tungkulin ay maaaring silang sibakin sa tungkulin.

Ipinaliwanag ni Año, ang regalo na may kapalit na anumang pabor ay maaaring ‘suhol’ na maliwanag na paglabag  sa batas.

Magugunitang nabanggit ni Pangulong Duterte na ok lang tumanggap ng regalo ang mga pulis.

EDUARDO AñO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with