“Ang self-proclaimed na tagapagtanggol ng mga mahihirap ay hindi man lamang nagsasanay ng journalism,” sabi ni Angeles kasunod ng pagdawit sa kanya ni Tulfo sa isang video na nagpapakita sa umano’y pakikipag-usap niya kay Don Samson na Chief of Staff ni BIR Commissioner Caesar Dulay kaugnay ng katiwalian sa BIR.
Ramon Tulfo Facebook Page
Tulfo ‘sumasalungat’ sa responsible journalism - BIR exec
(Pilipino Star Ngayon) - August 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinuna ni Bureau of Internal Revenue Assistant Commissioner Teresita Angeles na tila sumasalu­ngat sa responsible journalism ang mga pagsusulat ng kolumnistang si Ramon Tulfo.

“Ang self-proclaimed na tagapagtanggol ng mga mahihirap ay hindi man lamang nagsasanay ng journalism,” sabi ni Angeles kasunod ng pagdawit sa kanya ni Tulfo sa isang video na nagpapakita sa umano’y pakikipag-usap niya kay Don Samson na  Chief of Staff ni BIR Commissioner Caesar Dulay kaugnay ng katiwalian sa BIR.

Binanggit pa ni Tulfo sa kanyang kolum na ini­lagay umano ni Dulay si Angeles sa floating status dahil sa video pero pinabulaanan ito ni Angeles.

Tinawag ni Angeles ang lahat ng alegasyon ni Tulfo bilang malisosyo. Wala umanong naganap na pag-uusap nila ni Samson.

Giit pa ni Angeles, hindi man lamang siya tina­nong ni Tulfo kung siya nga ba ang taong nagsasalita sa nasabing bidyo, o kahit man lang kunin ang panig niya ukol sa mga alegasyon nito.

“Ang journalism ay responsable, at ang mga gawain ni Tulfo, base sa mga libel complaint at ‘di pagsang-ayon ng publiko sa karamihan ng kanyang mga artikulo, ay malinaw na sumasalungat sa res­ponsableng pamamahayag,” hinaing ni Angeles.

RAMON TULFO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with