Sa video, nagmumura raw sina Angeles at Samson dahil hindi napartihan sa isang suhulan sa tax settlement sa BIR ng Mighty Corporation at Del Monte Philippines.
Ramon Tulfo Facebook Page
Tulfo ‘iresponsable’— BIR exec
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - August 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinabi kahapon ni Assistant Commissioner for Client Support Services Teresita Angeles na ires­ponsable at malisyoso umano ang mga kolum ni Ramon Tulfo noong Agosto 6 at Agosto 8 na nagsasaad hinggil sa video clip sa katiwalian sa BIR na nagsasangkot sa kanya, kay Commissioner Caesar Dulay at sa executive assistant nitong si Don Samson.

Sa video, nagmumura raw sina Angeles at Samson dahil hindi napartihan sa isang suhulan sa tax settlement sa BIR ng Mighty Corporation at Del Monte Philippines.

Ayon kay Tulfo, nangyari ang insidente noong Agosto 2017 habang kumukuha ng kurso sa Harvard University sa Amerika sina Angeles at Samson. Sinibak umano ni Dulay si Angeles dahil sa naturang insidente.

Ayon kay Angeles, “walang nangyaring pag-uusap” sa kanilang dalawa ni Samson sa nabanggit na petsa dahil hindi naman sila magkasama sa Amerika.

Una nang sinabi ni Samson na nasa Dubai siya sa pagitan nang Agosto 26 at Setyembre 3, 2017 upang dalawin ang kanyang mga kamag-anak. Aniya pa, hindi pa rin siya nakakapasok sa Amerika.

Inilarawan ni Angeles na ‘unverified’ at ‘manufactured’ ang video na hawak ni Tulfo.

Aniya, naging ires­ponsable si Tulfo bilang mamamahayag nang hindi nito kunin ang ka­nilang panig bago ikinalat ang video at isinulat ang dalawang kolum nito. Lumalabas din aniya na “wala” sa bokabularyo ni Tulfo ang mga salitang ‘fairness’ at ‘due respect.’

Pinabulaanan din ni Angeles na tinanggal siya ni Dulay. “Hindi ako kailanman inilagay sa floating status dahil sa video. Isa ako ngayong assistant commissioner for client support services at lubha akong abalang-abala sa trabaho ko,” diin ni Angeles.

RAMON TULFO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with