Camp Crame papaupahan ni Duterte
Ayon sa Pangulo, prime land ang kinatatayuan ng Camp Crame kung saan naroon ang headquarters ng PNP at malaki ang halaga nito.
Camp Crame papaupahan ni Duterte
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - August 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinag-iisipan ni Pa­ngulong Duterte na paupahan ang kinatatayuan ng Camp Crame sa Quezon City at ilipat ang headquarters sa labas ng “urban areas” upang magkaroon ng malaking pondo ang mga opisyal at miyembro ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.

Ayon sa Pangulo, prime land ang kinatatayuan ng Camp Crame kung saan naroon ang headquarters ng PNP at malaki ang halaga nito.

“Actually, I’m selling. Know what I’m selling? I will give to you itong grounds… Then, just like Taguig, you can lease the land. It’s all prime lands,” sabi ng Pangulo.

Maaari aniyang mag­hanap ng ibang kampo ang PNP sa labas ng urban areas upang mapakinabangan nila ang kinatatayuan ng Camp Crame.

Bagaman at gusto umanong ibigay ng Pangulo sa pulisya ang Camp Crame, pero ayaw naman ni Finance Sec. Carlos Dominguez.

Nais umano ni Dominguez na itulad ito sa Government Service Insurance System (GSIS).

Naniniwala ang Pa­ngulo na malaking tulong sa pulisya kapag natuloy ang plano dahil bilyon-bilyong piso ang kikitain kapag nagkaroon ng sa­riling GSIS ang PNP.

Sinabihan din ng Pangulo ang pulisya na maghintay lamang at mangyayari ang sinasabi niya bago siya bumaba sa puwesto.

CAMP CRAME RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with