Timbangan sa NAIA tiniyak na sinusuri
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - August 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Manila Inter­national Airport Autho­­rity­ (MIAA) General Mana­ger Ed Monreal sa publiko na ang mga timbangan ng mga check-in counters sa lahat ng mga terminals ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay kina-calibrate at sinisiyasat araw-araw bago ito gamitin ng unang paalis na flight. 

“Ang paulit-ulit na mga post sa social media na naglalarawan na hindi wasto ang mga timbangan sa check-in counters ay lubos na na­kakasira sa kanilang imahe,” sabi ni Monreal. 

Ipinaliwanag ni Mon­real, na ang mga timba­ngan ay sinisiyasat araw-araw gamit ang mga test weights.

Ayon pa kay Monreal, ang ilang mga airlines ay patuloy na nagde-deploy ng kanilang sariling mga timbangan sa check-in area na maaaring sanhi ng mga reklamo ng mga pasahero na nagsasa­bing magkaka-iba ang luma­labas na timbang ng ka­ni­lang mga bagahe.

ED MONREAL MANILA INTER­NATIONAL AIRPORT AUTHO­­RITY­
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with