^

Bansa

Panelo sa Chinese workers: Magreklamo kung naaabuso sa Pilipinas

Philstar.com
Panelo sa Chinese workers: Magreklamo kung naaabuso sa Pilipinas
Ito'y kasunod ng pahayag ng Embahada ng Tsina na nakararanas ng "modern slavery" ang ilang Tsinong iligal na nagtratrabaho sa Pilipinas.
File

MANILA, Philippines — Hinikayat ng Malacañang ang mga manggagawang Tsino na maghain ng pormal na reklamo kung sila'y nakararanas ng pang-aabuso sa trabaho sa bansa.

Ito'y kasunod ng pahayag ng Embahada ng Tsina na nakararanas ng "modern slavery" ang ilang Tsinong iligal na nagtratrabaho sa Pilipinas.

"Imumungkahi ko sa kanila na maghain sila ng formal complaint para maiangat ang isyu sa mga akmang ahensya ng gobyerno," sabi ni presidential spokesperson salvador Panelo kanina sa Inggles.

Idiniin ni Panelo na hindi hahayaan ng gobyerno ng Pilipinas na malabag ang karapatan ng mga Chinese citizens bilang mga bisita.

"Meron tayong Saligang Batas para gabayan ang mga otoridad pagdating sa kanila. Hindi natin papayagang maabuso ang sinumang banyagang bisita o manggagawa sa bansang ito," wika na ng tagapagsalita.

Sinabi ng Chinese Embassy na naaakit ng mga Philippine Offshore gaming operations, o POGO, casino at iba pang mga pasugalan ang mga Tsino para magtrabaho kahit na tourist visa lang ang gamit.

Kinukumpiska pa raw ng ilang Filipino employers ang passport ng mga nasabing banyaga, maliban sa nalilimitahan ang kanilang mga personal na kalayaan.

"Pili lang ang mga lugar kung saan sila maaaring tumira at magtrabaho at ilan sa kanila ang nakaranas na ng pangingikil, pisikal na pang-aabuso at torture at iba pang pang-aapi," dagdag ng embahada.

Tinawagan ng Beijing ang gobyerno na "Papagtuunan ng pansin" ang posisyon ng Tsina at gumawa ng mga hakbang upang maiwasan ang illegal employment at iba pang krimen na makapamiminsala sa mga mamamayang Tsino. — James Relativo at may mga ulat mula kay Patricia Lourdes Viray

vuukle comment

CHINA

ILLEGAL WORKERS

PHILIPPINES

SALVADOR PANELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with