Maging ang holiday pay, overtime pay, night shift differential at hazard pay ng mga nasabing guro ay hindi rin daw maaaring buwisan.
File
'Entry-level' na guro sa public schools ipina-eexempt sa buwis
James Relativo (Philstar.com) - August 8, 2019 - 6:00pm

MANILA, Philippines — Hiniling ng isang senador na huwag nang patawan ng buwis ang ilang gurong nagtuturo sa mga pampublikong eskwelahan.

Layon ng Senate Bill 241 ni Sen. Vicente "Tito" Sotto na tuluyan nang i-exempt sa income tax ang mga Teacher I, II at III.

Aniya, inihain niya ito sa dahil gusto niyang mapahusay ang economic status ng mga teachers.

Sa ngayon daw kasi, mas mataas lang daw nang bahagya ang nakukuha ng mga entry level na guro sa minimum wage.

Ganito lang ang kinikita ng mga nasabing teacher simula noong Enero 2019:

  • Teacher I (P20,754)
  • Teacher II (P22,938)
  • Teacher III (P25,232)

"Alinsunod ang panukala sa Magna Carta for Public School Teachers na layong itaguyod at paunlarin ang katayuang panlipunan at ekonomiko ng mga guro sa public," ani Sotto sa Ingges.

Kung maipapasa bilang batas, aamyendahan nito ang umiiral na National Internal Revenue Code of 1997.

Maging ang holiday pay, overtime pay, night shift differential at hazard pay ng mga nasabing guro ay hindi rin daw maaaring buwisan.

Pagsisikapan din daw ng mga senador ng 18th Congress na maiangat ang sweldo upang mapantayan ang ibinibigay na bayad sa mga karatig na bayan sa Asya.

"Kinikilala namin ang kahalagahan ng kanilang ginagampanang papel. Nakasalalay sa mapagkalingang kamay nila ang kinabukasan ng kabataan," dagdag ni Sotto.

Matatandaang hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso na ipasa na ang bagong bersyon ng Salary Standardization Law para maiangat ang bayad ng teachers.

"Sa mga guro, alam mo dito 'yung mga walang sawang magturo sa ating kabataan. Kasali na po dito 'yung hinihingi ninyo. Hindi naman masyadong malaki, pero maisasalba kayo nito sa hirap ng buhay ngayon. Mas malaki nang kaonti kaysa dati," ani Duterte sa kanyang State of the Nation Address noong Hulyo.

'Malaking ginhawa'

Samantala, ikinatuwa naman ng mga kaguruan ang nasabing panukala.

Sa panayam ng Pilipino Star Ngayon, sinabi ni Alliance of Concerned Teachers party-list Rep. France Castro na malaki ang magagawa nito upang maibsan ang hirap na dinadanas ng mga teacher.

"Malaking ginhawa ito para sa karamihan ng mga guro," ani Castro.

"Actually may bill kami sa 17th Congress na mag-eexempt sa mga empleyado't teachers sa income tax basta't P396,000 ang kanilang taunang kita. Pero ang na-aprove sa Train 1 [ay] P250,000 lang."

Tinutukoy niya ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion na naipasa taong 2017.

Inihain na rin daw nila sa Kamara ang House Bill 219 upang itaas ang minimum na sweldo ng Teacher I sa P30,000 kada buwan.

Sa ngayon daw kasi, malayo ito sa "family living wage" na P33,570 kada buwan para sa pamilyang may anim na miyembro.

Itataas din daw ng HB 219 sa P16,000 ang minimum na bayad para sa mga entry-level na regular employee sa gobyerno.

ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS INCOME TAX SALARY TEACHERS VICENTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with