Patuloy na magdadala ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan at hangin ang bagyo sa Batanes at Babuyang Group of Islands ngayon hanggang bukas.
Released/Pagasa
Typhoon Hanna lalabas na ng PAR bukas ng umaga
James Relativo (Philstar.com) - August 8, 2019 - 12:46pm

MANILA, Philippines — Tinatayang lilisanin ng typhoon Hannah ang Philippine Area of Responsibility bukas ng umaga, ayon sa Pagasa.

Patuloy na magdadala ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan at hangin ang bagyo sa Batanes at Babuyang Group of Islands ngayon hanggang bukas.

Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa mga nasabing lugar.

Namataan ang mata ng bagyo 490 kilometro hilagangsilangan ng Basco, Batanes at may lakas na 185 kilometro kada oras sa gitna, na may pabugso-busgong hangin na 230 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa pa-hilagangkanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

"Risky" o delikado rin ang paglalayag sa mga lugar kung saan may signal no. 1, seaboards ng Luzon at Visayas, at northern at eastern seaboards ng Mindanao.

Dagdag ng weather bureau, patuloy na lumalakas ang bagyo at tinutumbok ang south Ryukyu Islands sa Japan.

Habagat at low pressure area

Sabi ni Chris Perez, senior weather specialist ng Pagasa, umiiral pa rin ang southwest monsoon o Hanging Habagat sa nakararaming bahagi ng Pilipinas: sa western seaboards at maging sa kalupaan.

"At mapapansin din natin itong mas makapal na kaulapan, initially tumatama po dito sa mga lalawigan or lugar sa kanlurang bahagi ng gitna at katimugang Luzon," sabi niya Huwebes.

Dahil diyan, katamtaman hanggang mabibigat na monsoon rains ang matitikman ng: 

  • Metro Manila
  • Occidental Mindoro
  • Oriental Mindoro
  • Hilagang bahagi ng Palawan (kasama ang mga Isla ng Calamian at Cuyo)
  • Antique
  • Iloilo
  • Guimaras
  • Zambales
  • Bataan
  • Rizal
  • Cavite
  • Bulacan

Mahihina hanggang katamtaman na paminsan-minsang maalakas na pag-ulan naman ang mamamayani sa:

  • Ilocos Region
  • Cordillera Administrative Region
  • nalalabing bahagi ng Central Luzon
  • CALABARZON
  • MIMAROPA
  • Western Visayas

Namataan din ang isang low pressure area 180 kilometro kanluran hilagangkanluran ng Dagupan City, Pangasinan.

Gayunpaman, inaasahan na tuluyan itong malulusaw sa loob ng 24 hanggang 28 oras.

LOW PRESSURE AREA MONSOON RAINS PAGASA TYPHOON HANNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with