Pinayuhan naman ni Bello ang mga kababayang OFW sa HK na iwasan ang mga kaliwat-kanang protesta at huwag ding mag-usyoso upang hindi madamay o maaresto.
Deployment ban sa HK ‘di pa puwede
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - August 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pa maipatutupad ang deployment ban para sa mga OFWs sa Hongkong sa kabila ng nagaganap na kaguluhan ngayon sa naturang bansa.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello na wala pang plano para sa deployment ng mga manggagawa dahil sa isyu ng extradition bill.

Nangangahulugan lamang na tuluy-tuloy pa rin ang pagpapadala ng mga OFW sa naturang bansa.

Gayunman, tiniyak naman ni Bello na mahigpit nilang minomonitor ang mga OFW sa HK katuwang ang Department of Foreign Affairs (DFA) at ibang ahensya dahil sa patuloy na protesta na nagdudulot ng matinding tensyon.

Pinayuhan naman ni Bello ang mga kababayang OFW sa HK na iwasan ang mga kaliwat-kanang protesta at huwag ding mag-usyoso upang hindi madamay o maaresto.

Ang paalala ni Bello ay kasunod ng pagkakaaresto sa isang Pinoy sa HK noong Sabado ngunit nakapagpiyansa rin sa tulong ng embahada.

DEPLOYMENT BAN OVERSEAS FILIPINO WORKERS SILVESTRE BELLO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with