Samantala, nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal signal no. 1 sa Batanes.
Released/Pagasa
Typhoon Hanna mabagal ang pagkilos; LPA namataan kanluran ng Dagupan
James Relativo (Philstar.com) - August 7, 2019 - 12:30pm

MANILA, Philippines — Magdadala ng mahihina hanggang katamtaman at paminsan-minsang malalakas na pag-ulan ang "outer rainbands" ang bagyong Hanna sa Batanes ngayong araw hanggang bukas.

Namataan ang mata ng bagyo 630 kilometro silangan ng Basco, Batanes kaninang alas-diyes ng umaga.

Nagtataglay ito ng lakas na 130 kilometro kada oras malapit sa gitna na may pabugsu-bugsong hangin na aabot ng 160 kilometro kada oras.

Mabagal ang paggalaw nito habang tinatahak ang hilaga hilagangkanlurang direksyon.

Bagama't hindi pa rin tumatama sa kalupaan, posibleng nasa loob pa rin ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Hanna bukas.

Tinutumbok nito ang Taiwan sa susunod na dalawang araw.

Samantala, nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal signal no. 1 sa Batanes.

Maliban sa bagyo, nakita ang ang isang low pressure area 325 kilometro kanluran ng Dagupan City, Pangasinan. Maliit naman ang posibilidad na maging tropical depression ito sa susunod na 24 oras.

Habagat pinalalakas pa rin ng bagyo

Nakararanas pa rin ng mga pag-ulan sa nakararaming parte ng Luzon at ilang bahagi ng Kabisayaan dulot pa rin ng southwest monsoon o hanging habagat.

"Mapapansin natin 'yung makapal na kaulapan dito sa West Philippine Sea, umaabot... dito nga sa ilang mga bahagi ng Luzon at Visayas, partikular sa western section dahil umiiral pa rin 'yung Hanging Habagat or southwest monsoon na patuloy ngang pinag-iibayo ng bagyong si Hanna," sabi ni Chris Perez, senior weather specialist ng Pagasa.

Makararanas ng malalakas na moonsoon rains ang sumusunod:

  • hilagang bahagi ng Palawan (kasama ang mga Isla ng Calamian at Cuyo)
  • Occidental Mindoro
  • Oriental Mindoro
  • Romblon
  • Zambales
  • Bataan
  • Aklan
  • Antique
  • Iloilo
  • Guimaras

Mahihina hanggang katamtaman na paminsan-minsang malakas ang pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon at Western Visayas.

Huwebes: Ulan pa rin

Bukas, katamtaman hanggang malalakas na moonsoon rains naman ang mapaaapekto sa:

  • Metro Manila
  • Ilocos Region
  • Cordillera
  • Administrative Region
  • Zambales
  • Bataan
  • Rizal
  • Cavite
  • Laguna
  • Batangas
  • Occidental Mindoro
  • Oriental Mindoro
  • hilagang bahagi ng Palawan (kasama ang mga Isla ng Calamian at Cuyo)

Mahina hanggang katamtaman na minsanang malalakas na pag-ulan naman ang mararamdaman sa Western Visayas at nalalabing bahagi ng Luzon sa araw na ito.

HANNA LOW PRESSURE AREA TYPHOON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with