Nakipagtsikahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal ng Land Bank of the Philippines sa isang bahagi ng Mindanao-wide turnover at distribution ng mga Certificate of Land Ownership sa mga benepisyaryo ng repormang agraryo na idinaos sa Davao City Recreation Center kamakalawa.
Batas sa pagsangla ng titulo ng land reform beneficiaries binubuo
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - August 4, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mambabatas na suportahan at ipasa ang binubuong panukalang batas para magamit ng mga land reform beneficiaries ang titulo ng lupa bilang pangsanla sa bangko lalo sa Land Bank of the Philippines.

Sinabi ni Pangulong Duterte na layunin nitong mabigyang kakayahan ang mga magsasakang beneficiaries ng land reform para mapaunlad ang lupang natanggap.

Ayon kay Pangulong Duterte, umaasa siyang gagawin din talaga ng Land Bank ang kanilang mandato bilang bangko para tulungan ang mga magsasaka at hindi makipagsabayan sa mga commercial banks.

Kinalampag din ni Pangulong Duterte ang Department of Agrarian Reform (DAR) na ipamahagi sa mga farmer-beneficiaries sa lalong madaling panahon ang lahat ng mga lupaing sakop ng land reform program.

Target ng Duterte administration na ipamahagi sa mga magsasaka ang mahigit 500,000 ektarya ng lupang sakahan lalo ang mga nasa Central Luzon, Negros at Mindanao.

“Ngayon ito, bina­balangkas namin ang isang batas na magagamit ninyo ang inyong titulo para maisangla, ang inyong lupa, para makautang ng pera at mapabuti ang lupa.

At sa marami sa inyo na hindi interesado sa pagsasaka pero gusto ng masarap na buhay, punta kayo sa banko, isangla iyan, at kung meron ka­yong P50,000, bili kayo ng shabu,” wika ni Pa­ngulong Duterte.

Sa pagbibigay sa kanila ng kanilang mga titulo, binibigyang-lakas natin ang ating mga magsasaka at pinapabuti ang kanilang kakayahan na umasa sa sarili at maging mas produktibo,” dagdag niya.

LAND BANK OF THE PHILIPPINES LAND REFORM BENEFICIARIES RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with