Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, hanggang Setyembre 30 lamang ang itatagal ng registration period kaya’t dapat itong samantalahin ng mga botante.
Edd Gumban
Voter’s registration simula na ngayon
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - August 1, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Simula na ngayon ang voters’ registration sa bansa.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, hanggang Setyembre 30 lamang ang itatagal ng registration period kaya’t dapat itong samantalahin ng mga botante.

Maaaring magpatala ang mga botante simula Lunes hanggang Sabado, at ma­ging sa araw ng holiday, mula ?8:00 ng umaga hanggang ?5:00 ng hapon sa kanilang mga field offices.

Plano rin ng Comelec na magdaos ng satellite registration sa mga malls, ngunit iaanunsiyo pa lamang nila sa mga susunod na araw kung saan at kailan ito isasagawa.

Sinabi ni Jimenez na target nilang makapagtala ng mahigit 2 milyong bagong botante para makaboto sa susunod na halalan sa bansa.

Hindi na kailangan pang magparehistro ang mga Sangguniang Kabataan (SK) voters, na tutuntong sa edad na 18-anyos, dahil awtomatiko na aniyang ililipat ng poll body ang kanilang pangalan sa regular list of voters o listahan ng mga botante.

JAMES JIMENEZ VOTERS’ REGISTRATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with