Provincial bus terminal sa Edsa, âdi aalisin
Sinabi ito ni QC Councilor Winston Castelo makaraang sumalang sa isang dialogue sa QC Hall sa pagitan ng mga bus owners sa lungsod.
Miguel de Guzman
Provincial bus terminal sa Edsa, ‘di aalisin
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - July 31, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi umano aalisin ang mga provincial bus terminal sa Quezon City na nasa kahabaan ng Edsa.

Sinabi ito ni QC Councilor Winston Castelo makaraang sumalang sa isang dialogue sa QC Hall sa pagitan ng mga bus owners sa lungsod.

Nalaman ni Castelo na may 3% lamang ng mga provincial bus ang napasok sa Quezon City taliwas sa ulat na ang mga pumapasok na bus mula probinsiya ang ugat ng traffic sa lungsod.

“Three percent lang ang provincial bus na pumapasok sa QC so napakaliit nila, kung titingnan natin, hindi sila rason ng traffic, there could be someone else. Kaya nga magsasagawa muna kami sa Council ng malalimang imbestigasyon bago aksiyonan ang usaping ito,” pahayag ni Castelo.

Para bawas traffic sa QC, ay bubuksan ang ilang mga kalsada sa lungsod na maaaring maging dagdag na ruta, gayundin ang mga subdibisyon, aalisin ang mga colorum vehicles para mabawasan ang mga gumagamit ng kalsada sa mga major routes.

WINSTON CASTELO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with