^
DND: Terorismo sa Jolo malilipol sa loob ng 3 hanggang 6 na buwan
Kuha matapos ang pambobomba sa isang simbahan sa Jolo nitong Enero.
AFP/Nickee Butlangan

DND: Terorismo sa Jolo malilipol sa loob ng 3 hanggang 6 na buwan

James Relativo (Philstar.com) - July 29, 2019 - 6:17pm

MANILA, Philippines —  Ipinangako ng Department of National Defense na masusugpo nila ang mga terorista sa Jolo sa Sulu sa loob ng ilang buwan.

Sa panayam ng CNN Philippines kay Defense Secretary Delfin Lorenzana Lunes, sinabi nila na pina-iigting na nila ang operasyon ng gobyerno sa Jolo, Sulu upang maubos ang mga bandidong Abu Sayyaf.

"We're giving them three months to six months... the rest of the year," sabi ni Lorenzana.

(Binibigyan namin sila ng tatlo hanggang anim na buwan... hanggang matapos ang taon.)

Aniya, may malaking banta sa seguridad lalo na't nagsisiuwian na raw ng kani-kanilang bansa ang mga miyembro ng Islamic State ngayong lumiliit ang kanilang teritoryo sa Syria.

Isa ang Abu Sayaff sa mga grupong sumumpa ng katapatan sa ISIS.

"Now we hope to contain them in Jolo where they are now, so that they cannot move to Basilan, or Cotabato or Central Mindanao, or even in other places like Visayas and Metro Manila. That's what we are guarding against," dagdag ng kalihim.

(Plano naming mapanatili sila sa Jolo kung nasaan sila ngayon, upang hindi na sila magtungo ng Basilan, Cotabato o Central Mindanao, o sa Visayas o Kamaynilaan. Diyan kami nag-iingat.)

Ang bayan ng Jolo ang kabisera ng probinsiya ng Sulu. Ito ay nasa isla ng Jolo. 

"Maliit lang naman 'yong ano eh, Jolo. And we're bringing in more troops for the operation (At nagpapadala kami ng mas maraming sundao para sa aming operasyon)."

Foreign terrorists sa Mindanao?

Dagdag pa ni Lorenzana, sadyang napakalawak ng dagat ng Sulu kung kaya't hindi nila mapigilan ang pagpasok ng ilang terorista, kabilang na ang ilang banyaga.

Kailangan daw makapaglagay ng mas maraming bangka't eropano sa lugar upang masawata ang aktibidad.

"Until we do that, and put more coast guards maybe in all of the... some of the major thoroughfares, we'll not be able to prevent them from coming in," paliwanag pa ni Lorenzana.

(Hangga't hindi natin magawa iyon, at magdagdag ng mga coast guard sa mga mayor na matatagusan, hindi natin sila mapipigilan sa pagpasok.)

Una nang sinabi ng DND na nakapasok ang ilang bomb making experts sa Jolo mula sa Egypt, Singapore, Malaysia at Indonesia, na makalking banta raw sa bansa.

Napatunayan na raw kasi na kaya nilang pasabugin ang kanilang mga sarili at maaaring magturo sa mga lokal na teroristang gumawa ng bomba.

Bagama't nakatanggap ng mga ulat ang militar na may 100 jihadists sa Mindanao, sinabi naman ni Lorenzana na hindi pa nila matukoy kung totoo ito.

Nitong Hunyo, patay ang lima katao sa isang kampo militar sa Indanan, Sulu matapos ang diumano'y "suicide bombing."

Sa isang pahayag ngayong buwan, sinegundahan naman ni Armed Forces of the Philippines spokesperson marine Brig. Gen. Edgard Arevalo ang sinabi ng Indonesian police na "Indonesian couple" ang nasa likod ng pambobomba sa isang simbahan sa Jolo, Sulu nitong Enero.

ABU SAYYAF BOMBING DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE ISLAMIC STATE TERRORISM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with