"[B]ase po sa mga nakalipas at nagdaang bagyo sa buwan ng Agosto, inaasahang diyan lamang po sa hilang bahagi ng Northern Luzon tatama ang mga bagyo papasok," dagdag niya.
Screengrab from Dost_pagasa
4 na bagyo posibleng dumalaw ng Philippine Area of Responsibility sa Agosto
James Relativo (Philstar.com) - July 29, 2019 - 11:46am

MANILA, Philippines — Ilang araw bago magtapos ang Hulyo, inanunsyo ng Pagasa na maaaring pumasok ang dalawa hanggang apat na bagyo sa Philippine Area of Responsibility sa Agosto.

Ito ang inilahad kanina ni Ariel Rojas, Department of Science and Technology—Pagasa weather specialist, sa kanyang forecast kaninang alas-kwatro ng madaling araw.

 

 

"[B]ase po sa mga nakalipas at nagdaang bagyo sa buwan ng Agosto, inaasahang diyan lamang po sa hilang bahagi ng Northern Luzon tatama ang mga bagyo papasok," dagdag niya.

Samantala, namataan naman ang isang low pressure area ang namuo sa West Philippine Sea sa layong 380 kilometro kanluran ng Dagupan, Pangasinan.

Sabi ni Rojas, mataas ang tiyansang maging ganap itong bagyo pero ito ay kikilos sa pa-kanluran at magtutungong Tsina at Vietnam.

Pinalalakas ng LPA ang Hanging Habagat na nakaaapekto sa buong bansa sa kasalukuyan.

Ngayong Hulyo, matatandaang pumasok ng PAR ang bagyong "Falcon" at "Goring." 

Nasa 20 tropical cyclone ang pumapasok o namumuo sa PAR taun-taon, ayon sa Pag-asa.

Sa bilang na ito, walo hanggang siyam ang karaniwang tumatama sa kalupaan.

LOW PRESSURE AREA PAGASA TROPICAL CYCLONE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with