Layon ng House Bill 502 na inihain ni 2nd district Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na amyendahan ang ilang probisyon sa Family Code of the Philippines para mas mapadali ang pakiki­paghiwalay sa asawa.
Michael Varcas
5 taon nang hiwalay pasado sa annulment
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Maaari nang mapa­walang bisa o mapa-annul ang kasal ng mag-asawa kung limang taon na silang hiwalay.

Layon ng House Bill 502 na inihain ni 2nd district Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na amyendahan ang ilang probisyon sa Family Code of the Philippines para mas mapadali ang pakiki­paghiwalay sa asawa.

Paliwanag ni Barbers, ang panukala ay kikilala sa reyalidad na umiiral sa marital condition ng mga Pilipino.

Hindi na umano kailangan pa ng malalim na rason para bigyang dahilan ang paghihiwalay ng mag-asawa sa annulment proceedings.

Giit ni Barbers, sa limang taon na actual separation ay estrang­hero na ang mag-asawa at malabo na muling magkabalikan.

Bukod dito, sapat na ang 5 taon para makapag-adjust at makapag-move on ang isa’t isa at hindi na mapigilan na pumasok sa ibang relasyon.

Mas mainam din uma­nong remedyo ang annulment para maayos at mapayapang makapaghiwalay at walang ibang dahilan na kailangan pa para ma-justify ang annulment.

ANNULMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with