Sinabi pa ni Pacquiao na natural lamang na magkaroon ng black eye kapag tinatamaan ng suntok sa mata.
Ernie Peñaredondo
Pacquiao balik trabaho sa Senado
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni Sen. Manny Pacquiao na wala siyang pinsalang nakuha sa laban kay Keith Thurman noong Linggo maliban sa black eye.

Sinabi pa ni Pacquiao na natural lamang na magkaroon ng black eye kapag tinatamaan ng suntok sa mata.

“Wala (injury), black eye lang. Nasuntok. Ganoon talaga pag tinamaan ka (sa mata), black eye ka,” pahayag ni Pacquiao na balik trabaho na.

Wala rin umano siyang nararamdamang sakit sa katawan kahit pa tumagal ng 12 rounds ang kanilang laban.

Tiniyak naman ni Pacquiao na wala na siyang magiging laban hanggang matapos ang 2019 at pagtutuunan muna ang trabaho.

Samantala, sa talumpati sa plenaryo, sinabi ni Pacquiao na panahon na upang mag-invest ang gobyerno sa mga boksingero.

“Naniniwala po ako na marami tayong magaga­ling na boksngero na naghihintay lamang ng tamang oportunidad,” sabi ni Pacquiao.

Isinulong din ni Pacquiao na dapat magkaroon na ng Philippine Boxing and Combat Sports Commission.

Kung susuportahan aniya ang mga boksingero ay posibleng maging boxing at combat sports capital ng Southeast Asia ang Pilipinas.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with