Sinabi ni Negros Oriental Provincial Police Office Director Police Col. Raul Tacaca, kabilang sa mga kinasuhan si Victoriano Bangala Anadon Jr. na nasakote na habang pinagha­hanap pa sina Rengie Anadon Baluhabo, Gelie Anadon Ebedo, Joseph Torres Ogates, Jelly Anadon Ebedo at iba pang mga John Does.
File Photo
11 NPA rebels kinasuhan na
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - July 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinampahan na ng 4 counts ng murder at theft ang 11 rebeldeng New People’s Army (NPA) na pumatay sa apat na pulis sa pamamagitan ng “New People’s Army ” sa harap ng taumbayan sa Ayungon, Negros Oriental. 

Sinabi ni Negros Oriental Provincial Police Office Director Police Col. Raul Tacaca, kabilang sa mga kinasuhan si Victoriano Bangala Anadon Jr. na nasakote na habang pinagha­hanap pa sina Rengie Anadon Baluhabo, Gelie Anadon Ebedo, Joseph Torres Ogates, Jelly Anadon Ebedo at iba pang mga John Does.

Nitong Hulyo 18 ay  hi­narang ng mga rebelde ang tatlong motorsiklo na sinasakyan nina Police Corporal Relebert Beronio at Patrolmen Raffy Callao, Roel Cabellon at Marquino de Leon, mga  intelligence operatives ng 704th Mobile Force Company Regional Mobile Force Battalion sa Central Visayas Police.

Kinaladkad ang mga pulis, iginapos at dinala sa barangay hall at pinahirapan saka pinatay sa harap ng mga tao sa Brgy. Mabato, Ayungon.

Naglaan ng P1-M reward si Pangulong Duterte laban sa lider ng naturang NPA rebels at karagdagang P300,000 kung mabitbit ang ulo sa kaniya ng tinawag niyang ‘idiot’ na pinuno ng komunistang kilusan.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Tacaca na nag-suicide ang brgy. chairman ng Mabato na si Sunny Caldera, 51, na iniimbestiga­han ng Ayungon Police kaugnay ng posibleng pa­ki­kipagsabwatan nito sa krimen.

Si Caldera ay uminom ng pesticide na natagpuang bumubula ang bibig. Isinugod ito sa ospital pero binawian din ng buhay.

NEW PEOPLES ARMY NEW PEOPLE’S ARMY
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with