Ibinulgar ni AFP-Wes­tern Mindanao Command (Westmincom) Chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana na tinuturuan umano ng pitong dayuhang terorista kung paano maging bomber ang mga miyem­bro ng naturang local terrorist groups.
Facebook Photo
7 foreign terrorists sumapi na sa Abu Sayyaf
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - July 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pitong dayuhang te­rorista ang sumapi na sa Abu Sayyaf Group (ASG), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Dawlah Islamiyah (DI) terrorists.

Ibinulgar ni AFP-Wes­tern Mindanao Command (Westmincom) Chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana na tinuturuan umano ng pitong dayuhang terorista kung paano maging bomber ang mga miyem­bro ng naturang local terrorist groups.

Sinabi ni Sobejana na mga miyembro ng ISIS ang mga dayuhan at eksperto sa paggawa ng bomba.

Tumanggi naman ang opisyal na tukuyin ang nationality ng mga ito pero kinumpirmang nagkakanlong ang mga ito sa mga kila­lang balwarte ng lokal na teroristang grupo sa Western Mindanao at Maguindanao.

Una nang nabunyag ang posibleng kinalaman ng ISIS terrorists sa madugong Marawi City siege noong Nobyembre 2017.

“They are doing their usual thing, training members of the local terrorist groups as bombers. They were grooming suicide bombers as manifested by what happened lately,” ani Sobejana na tumutukoy sa suicide bombing noong Hunyo 28 sa isang military camp sa Indanan, Sulu.

Dalawang suicide bomber ang natukoy dito kabilang ang isang Pinoy na si Norman Lasuca.

Samantala 42 pang mga foreign terrorists ang patuloy namang minomonitor kaugnay sa posibleng asosasyon ng mga ito sa ISIS.

ABU SAYYAF GROUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with