Iminungkahi naman ni Velasco na i-convene ng Pangulo ang Legislative-Executive Advisory Council (LEDAC) sa lalong madaling panahon para magkaroon ng Common Legislative Agenda (CLA) ang executive at legislative branch katulad umano ng ginawa nila noong 17th Congress.
KJ Rosales
Legislative agenda ni Digong suportado ni Velasco
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Suportado ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang mga inilatag na legislative agenda ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA na sumentro sa korupsyon, pag-improve ng kapayapaan at kaayusan, pagpapaunlad ng ekonomiya at pagtaas sa antas ng pamumuhay ng mga Filipino.

Iminungkahi naman ni Velasco na i-convene ng Pangulo ang Legislative-Executive Advisory Council (LEDAC) sa lalong madaling panahon para magkaroon ng Common Legislative Agenda (CLA) ang executive at legislative branch katulad umano ng ginawa nila noong 17th Congress.

Dapat umanong mag­karoon ng agreement ang Ehekutibo, Senado at Kamara kung anong panukala sa CLA ang dapat bigyang prayoridad para maisabatas ito.

Patunay nito, nag­hain siya ng mga panukalang batas na susuportahan ang vision ng Pangulo tulad ng pag-postpone sa barangay elections mula May 2020 sa Oktubre 2022, pagbuhay muli sa ROTC at Rightsizing of government bureaucracy.

Kaisa rin siya ng Pa­ngulo sa paghikayat sa Department of Ener­gy para mapabilis ang proyekto para sa renewable energy sources.

Pagdating sa term sharing, sinabi ng kongresista na tulad ng sabi ng Pangulo, “there is time for everything”, naniniwala siya na darating din ang panahon niya subalit sa ngayon ay dapat magtrabaho muna sila.

DUTERTE LEGISLATIVE AGENDA LORD ALLAN VELASCO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with