^

Bansa

Angkas pinaringgan, pinagkatuwaan ang publicity material ng Grab

James Relativo - Philstar.com
Angkas pinaringgan, pinagkatuwaan ang publicity material ng Grab
Tila kinukunsinti raw kasi nito ang pagsasabay-sabay sa mga kababaihan.
Screengrab mula kay @iamalexthegreat ng Twitter

MANILA, Philippines — Umarangkada ang pagbanat ng motorcycle ride-hailing app na Angkas sa tila walang prenong patalastas ng transport network vehicle service na Grab Philippines.

"Bakit kasi sabay-sabay ha? Dito sa Angkas, one-at-a-time lang lagi ang sakay," sabi ng Angkas sa opisyal na Twitter account nito.

Ikinagalit kasi ng netizens ang paggamit ng Grab Philippines sa diumano'y "cheating" incident sa pagitan nina Gerald Anderson, Bea Alonzo at Julia Barretto para i-advertise ang 6-seater service nito.

Tila kinukunsinti raw kasi nito ang pagsasabay-sabay sa mga kababaihan.

Sa post kasi ng Grab, na ngayo'y burado na, inilagay ang anim na babaeng dating nakarelasyon at na-link sa aktor na si Gerald.

Agad namang humingi ng tawad ang Grab sa kanilang paskil.

"We apologize for running the light! We were in no way encouraging nor condoning disrespect for women and disrespect within relationships," sabi ng Grab Philippines sa kanilang Facebook post.

(Humihingi kami ng paumanhin dahil sumobra kami. Hindi namin ineengganyo ang pambabastos sa kababaihan at pagyurak sa mga relasyon.)

 

 

Dagdag pa ng Grab, hinahangaan nila ang pagmamahalan at katapatan na ipinakita ng fans sa mga babaeng ginamit sa imahen.

"Thank you for reminding us what not to be (Salamat sa pagpapaalala sa amin ng hindi namin dapat gawin)," kanilang panapos.

Matatandaang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11313 o Safe Spaces Act, na kilala rin sa tawag na "Bawal Bastos law," nitong ika-17 ng Abril.

Dating nagtrabaho para sa Grab si Angeline Tham, ang chief executive officer ng Angkas. — may mga ulat mula sa Interaksyon

vuukle comment

ANGKAS

GRAB PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with