^

Bansa

UN 'di papapasukin ng Pilipinas kahit 60% ng Pinoy gusto ng 'probe' sa drug war

James Relativo - Philstar.com
UN 'di papapasukin ng Pilipinas kahit 60% ng Pinoy gusto ng 'probe' sa drug war
Ayon kasi sa panibagong Social Weather Stations survey, anim sa 10 Pilipino ang pabor na papasukin ang mga international organizations tulad ng UN para masilip ang madurong war on drugs ng bansa.
AFP/Noel Celis, File

MANILA, Philippines — Desidido ang Malacañang na harangan ang pagpasok ng mga kinatawan ng United Nations para magsagawa ng "comprehensive review" sa human rights situation ng Pilipinas.

Ayon kasi sa panibagong Social Weather Stations survey, anim sa 10 Pilipino ang pabor na papasukin ang mga international organizations tulad ng UN para masilip ang madurong war on drugs ng bansa.

Lumalabas din sa survey na 15% lang ang hindi pabor dito.

Nang tanungin kung mababago ng survey ang desisyon ng Palasyo, ito ang sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo: "It will not kasi it's an assault on our sovereignty."

(Hindi magbabago dahil atake 'yan sa soberanya natin.)

"'Di ba ang reaction natin, 'You cannot do this to us... Lumalakad ang lahat ng sistema namin dito.'"

('Di ba ang reaksyon natin, hindi niyo ito maaaring gawin sa amin... Lumalakad ang lahat ng sistema namin dito.)

Isinagawa ang pag-aaral mula ika-22 hanggang ika-26 ng Hunyo 2019, na humihingi ng palagay sa pahayag na: 

"The government should not block the investigation of international groups, like the United Nations, into the killing by the Philippine police of so many drug suspects who supposedly fought back."

Dalawang linggo na ang nakalilipas nang bumoto ang 18 miyembro ng UN Human Rights Council pabor sa inihaing resolusyon ng Iceland na silipin ang gera kontra-droga ng Pilipinas.

Tumindig na rin ang punong mahistrado ng Korte Suprema na si Lucas Bersamin laban sa resolusyon, at sinabing wala siyang nakikitang dahilan kung bakit dapat manghimasok sa affairs ng Pilipinas ang ibang bansa.

"We have a robust judicial system (Matatag ang sistemang hudikatura natin). Iniimbestigahan lahat 'yan, dinedemanda naman. Huwag na kayong makialam dito sa aming bansa," dagdag pa ni Panelo.

Dagdag ng tagapagsalita, maaaring naging ganoon ang resulta ng survey dahil napaniwala silang hinahadlangan ng Pilipinas ang review.

"And yet, Filipinos are saying na tama naman ang kanyang drug war," sabi pa ni Panelo.

Wala rin daw interes ang Pangulong Rodrigo Duterte pagdating sa popularidad ng desisyon lalo na't 3% lang daw ang kanyang dissapproval rating.

Samantala, kahit na hindi papasukin ng Pilipinas ang mga kinatawan ng UNHRC, kaya pa ring magsagawa ng konseho ng comprehensive review sa bansa.

Taong 2018 nang makapaglabas ng comprehensive review ang konseho tungkol sa Venezuela kahit na hindi sila pinahintulutang pumasok ng bansa sa pamamagitan ng "remote monitoring."

Pero kahit na maisagawa ang review at makapaghain ng mga rekomendasyon ang UN, wala itong kapangyarihan upang matigil ang drug war at mapanagot ang pangulo.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

SALVADOR PANELO

UNITED NATIONS HUMAN RIGHTS COUNCIL

WAR ON DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with