“Maniwala kayo, tatapusin ko ang termino ko nang lumalaban,” wika ng Pangulo sa kanyang SONA kaugnay sa pag­laban niya sa corruption at illegal drugs.
Death penalty pinababalik ni Digong
Rudy Andal, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 23, 2019 - 12:00am

Sa drug crimes at plunder

MANILA, Philippines —  Hiniling kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ang pagbabalik ng parusang kamatayan.

“Maniwala kayo, tatapusin ko ang termino ko nang lumalaban,” wika ng Pangulo sa kanyang SONA kaugnay sa pag­laban niya sa corruption at illegal drugs.

Umapela ang Pa­ngulo sa mga kongresista at senador na ibalik ang parusang kamata­yan sa mga krimeng may kinalaman sa bawal na gamot at sa mga kasong  plunder.

Siniguro naman ng Pangulo na magkakaroon ng pagkakataon ang mga akusado sa korte.

Tahasang inamin ng Pangulo na kahit pa tatlong taon na siya bilang Pangulo, marami pa rin ang hindi natututo at patuloy pa rin ang pamamayagpag ng ilegal na droga sa bansa.

Partikular na iniha­limbawa ng Pangulo ang nangyari sa Marawi siege noong May 23, 2017 kung saan nag­lunsad ng operasyon ang mga awtoridad na may kaugnayan umano sa ilegal na droga.

Sinabi ng Pangulo na 175 ang namatay at 2,001 na sundalo at kapulisan ang nasuga­tan sa limang buwan na bakbakan.

Alam umano ng Pa­ngulo na mahabang panahon ang kakailanganin para matapos ang problema sa ilegal na droga kaya sinusuportahan niya ang pagbabalik ng parusang kamatayan.

 Sa ibang bahagi ng kanyang talumpati, binanggit ni Duterte na 100 opisyal at appointees ng gobyerno ang kanyang tinanggal sa tungkulin dahil sa umano’y mga katiwalian.

Binanggit niya na, sa pagpunta  niya sa Customs dalawang linggo na ang nakakaraan, nalaman niyang merong 63 dito na nahaharap sa kasong criminal at 61 sa mga ito ay iniim­bestigahan. “Kung hindi natin mabubuwag ang kanilang mga posisyon at hindi ko sila matatanggal dahil sa security of tenure, hayaan silang magkaroon ng plantilla position, pero dapat magreport sila sa Kongreso araw-araw. Ayoko na silang pabalikin,” dagdag niya.

Inatasan niya ang ilang ahensiya ng pamahalaan na simplihan ang kanilang mga serbisyo. Kabilang dito ang  Land and Transportation Office, Social Security System, Bureau of  Internal Revenue, Land Registration Authority at Pag-IBIG Fund.

RODRIGO DUTERTE STATE OF THE NATION ADDRESS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with