Nanumpa ang bagong Speaker ng House of Representatives na si Alan Peter Cayetano sa pagbubukas ng sesyon ng 18th Congress kahapon.
KJ Rosales
Cayetano nahalal na Speaker
Gemma A. Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naihalal na nga bilang bago at ika-22 Speaker ng 18th Congress si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano.

Dakong alas-10:00 ng umaga nang magbukas ang sesyon ng 18th Congress kung saan present ang may 297 na kongresista kaya kaagad silang nagbotohan para sa bagong House Speaker.

Mismong sina Davao Rep. Paolo Duterte, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at  Leyte Rep. Martin Romualdez ang nag-nominate kay Cayetano habang si Ambis-Owwa  Rep. Sharon Garin naman ang nag- nominate kay Manila 6th district Rep. Benny Abante para sa posis­yon na maging speaker.

Sa botong 266, naihalal na Speaker si Ca­yetano habang 28 na boto naman ang nakuha ng kanyang katunggali na si Abante na awtomatikong magiging minority leader.

Nag-abstain naman sa nasabing botohan sina Buhay Rep. Lito Atienza at Magdalo Rep. Manuel Cabochan habang no vote naman si Albay Rep. Edcel Lagman.

Ngayong 18th Congress, mayroong 304 members ang House of Representatives at 114 dito ay pawang mga neophyte o  bagitong kongresista.

Bago naman pumanhik sa rostrum para ma­numpa ay pinangunahan  ni CIBAC Rep. Eddie Villanueva na ipanalangin si Cayetano habang nakaluhod kasama ang mga miyembro ng Kamara.

Matapos nito ay pinangunahan naman ni Cayetano ang mass oath taking para sa mga bagong kongresista ng 18th Congress.

ALAN PETER CAYETANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with