Ito ang ibinunyag kahapon ni Philippine National Police Chief General Oscar Albayalde sa masaklap na sinapit ng apat na pulis na hinarang, iginapos, dinospordos saka niratrat nang patalikod habang halos nakaluhod na sa Ayungon, Negros Oriental noong Hulyo 18.
‘Pagpaslang sa 4 na pulis brutal’- PNP
Mer Layson, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - July 23, 2019 - 12:00am

Sa harap ng taumbayan sa Negros

MANILA, Philippines — Brutal silang pinahirapan, pinaslang sa harap ng taumbayan!

Ito ang ibinunyag kahapon ni Philippine National Police Chief General Oscar Albayalde sa masaklap na sinapit ng apat na  pulis na hinarang, iginapos, dinospordos saka niratrat nang patalikod habang halos nakaluhod na sa Ayungon, Negros Oriental noong Hulyo 18.

 Kasabay nito, kinondena ni Albayalde ang insidente  matapos na lumitaw na rin ang isinagawang post mortem examination ng Scene of the Crime (SOCO) team sa bangkay ng mga nasawing biktima.

Tiniyak kahapon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang hustiya sa apat na pulis na brutal na pinaslang sa harapan ng taumbayan ng mga rebeldeng New People’s Army.

 Sinabi ni Año na mariing kinokondena ng kaniyang departamento ang hindi makataong pagpatay sa apat na pulis na isinalarawang bilang ‘krimen na tanging mga halang ang kaluluwa lamang ang makakagawa “.

 Una nang napaulat na nasawi sa ambush ang apat na pulis na kinabibilangan nina Police Corporal Relebert Beronio, Patrolman Raffy Callo, Patrolman Roel Cabellon at Patrolman Marquino de Leon, pawang mga intelligence operatives ng 704th Mobile Force Company Regional Mobile Force Battalion sa Central Visayas Police.

Lumilitaw sa imbestigasyon na noong Hulyo 18 bandang alas-2:30 ng hapon ay hinarang ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang dalawang motorsiklong sinasakyan ng mga parak sa Brgy. Mabato, Ayungon ng lalawigan kung saan ang nasabing mga parak ay iginapos, kinaladkad saka pinahirapan sa barangay sa harapan ng mga nakamasid sa matinding takot na taumbayan.

Halos nanlulupaypay na sa matinding pahirap  na pinaghahampas pa ng matigas na bagay at  pinagbabaril ng mga rebelde habang nakatalikod ang mga biktima saka mabilis na lumisan sa lugar matapos na limasin ang mga kagamitan ng mga biktima tulad ng cellphone, pera at baril ng mga ito.

POLICE AMBUSH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with