Sinabi ni Pangilinan na sila ang magbibigay ng “balance” sa Senado at mananatiling matatag para sa demokrasya.
Minorya mananatiling fiscalizer kahit 4 lang
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 23, 2019 - 12:00am

Sa Senado

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan na mananatiling “fiscalizers sa Senado ang minorya kahit pa apat na lamang ang kanilang miyembro kung saan nakakulong pa ang isa.

Sinabi ni Pangilinan na sila ang magbibigay ng “balance” sa Senado at mananatiling matatag para sa demokrasya.

Bukod kay Pangilinan, mananatiling miyembro ng minorya sina Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senators Risa Hontiveros at Leila de Lima na nakakulong pa rin sa Custodial Center ng Philippine National Police sa Camp Crame.

Ipinunto rin ni Pangilinan na kahit pa kasapi sila ng minorya, patuloy naman nilang nagagampanan ang trabaho bilang mga mambabatas.

Inisa-isa rin ni Pangilinan ang mga mahahalagang panukalang batas na isinulong ng minorya katulad ng Revised Corporation Code, Free College Education Act, Mental Heath Act, Magna Carta for the Poor, Pantawid Pamilyang Pilipino Program at Sagip Saka Law.

FRANCIS “KIKO” PANGILINAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with