^

Bansa

‘Senators hindi hukom at prosecutor’- Sotto

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
�Senators hindi hukom  at prosecutor�- Sotto
Sa kanyang talumpati matapos muling mahalal bilang lider ng Senado, ipinunto ni Sotto na bilang mga mambabatas, ang trabaho nila ay maghain ng panukala, magdebate tungkol dito at ipasa sa Pangulo upang maging batas.

MANILA, Philippines — Ipinaalala kahapon ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa mga kasamahan sa Senado na ang trabaho nila ay gumawa ng batas at hindi sila mga prosecutors at judges.

Sa kanyang talumpati matapos muling mahalal bilang lider ng Senado, ipinunto ni Sotto na bilang mga mambabatas, ang trabaho nila ay maghain ng panukala, magdebate tungkol dito at ipasa sa Pangulo upang  maging batas.

Pero ang nangyayari aniya ay nasasagawa sila ng mga pagdinig na nagdudulot ng high blood pressures, heart  attacks, strokes at self-injury.

Ipinaalala rin ni Sotto na dapat silang maghinay-hinay sa mga iniimbitahan nila sa mga pagdinig dahil mayroon ding Constitution rights ang mga ito.

Nilinaw ni Sotto na hindi niya nais palambutin ang kanilang kapangyarihan. Pero nais niyang matiyak na ang mga gagawing pagdinig ay para lamang sa paggawa ng batas.

Pero naniniwala rin si Sotto na dapat ikulong sa Senado ang mga sinungaling na testigo o mga resource persons.

vuukle comment

VICENTE “TITO” SOTTO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with