^

Bansa

Ika-4 na SONA ni Duterte 'di nagsimula sa oras

James Relativo - Philstar.com
Ika-4 na SONA ni Duterte 'di nagsimula sa oras
Ayon sa ilang ulat, naantala ang paglipad ng chopper ng presidente mula sa Malacañang dahil sa sama ng panahon.
Philstar.com/AJ Bolando,File

MANILA, Philippines — Na-late ang pagsisimula ng ika-apat na State of the Nation Address ng Pangulong Duterte ngayong Lunes.

Ayon sa ilang ulat, naantala ang paglipad ng chopper ng presidente mula sa Malacañang dahil sa sama ng panahon.

Nakatakda sanang magsimula ang talumpati ng pangulo ganap na alas-kwatro ng hapon ngayong araw.

Ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo, matatalakay daw ni Digong ang iba't ibang paksa sa kanyang SONA, kabilang na rito ang gera kontra-droga, kriminalidad, katiwalian sa gobyerno at mga isyu kaugnay ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Inaasahan naman daw ni Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar na magsasalita mula sa kaibuturan ng kanyang puso ang presidente.

Kadalasa'y pinag-uusapan sa SONA ang legislative agenda ng presidente sampu ng mga nakamit ng adminsitrasyon sa nagdaang panahon.

Pero ayon naman sa ilang akademiko tulad ni UP Political Science Associate Prof. Herman Kraft, tila nagiging "teatro" na lamang ang SONA ng popular na pangulo.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

STATE OF THE NATION ADDRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with