Sa isang statement, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang panalo ni Pacquiao ay tagumpay ng buong bansa.
AFP
Malacañang nagpaabot ng pagbati kay Pacquiao
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpaabot ng pagbati ang Malacañang kay Sen. Manny Pacquiao sa panalo nito laban kay Keith Thurman sa pamamagitan ng split decision.

Sa isang statement, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang panalo ni Pacquiao ay tagumpay ng buong bansa.

“Pacquiao’s victory is not only his, but of the entire nation. As such, the Palace is one in rejoicing with the Filipino people as the Pambansang Kamao once again puts the flag above the pedestal with his display of tenacity and courage,” dagdag ni Panelo.

Nagpapasalamat aniya ang sambayanang Pilipino dahil muling binigyan ng karangalan ni Pacquiao ang bandila ng bansa.

Naging pagkakataon aniya ang laban ni Pacquiao ngayong araw para pagkaisahin ang mga Pilipino sa buong mundo dahil sa naipamalas ulit nito ang kanyang angking athleticism, power at Filipino pride.

Kahit mas bata si Thurman ay hindi nagpatalo ang Pambansang Kamao at nanatili ang lakas ng kamao nito, wika pa niya.

“Sen. Manny, again made every Filipino people proud. Tayo po ay magpupursige upang masuportahan ang atleta ng ating Bansa. Pangako na di mapapako,” dagdag naman ni 1Pacman party-list Rep. Mikee Romero sa pagkapanalo ni Pacquiao.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with