

200 solons dadalo sa breakfast meeting ni Rep. Duterte
MANILA, Philippines — Nasa 200 kongresista ang inaasahang dadalo sa patawag na breakfast meeting ngayong alas-8 ng umaga ni Presidential Son at Davao Rep. Paolo Duterte ilang oras bago ang pagsisimula ng first regular session ng 18th Congress.
Una nang sinabi ni Rep. Duterte na posibleng magkaroon ng kudeta sa araw mismo ng paghahalal ng speaker kaya hindi pa sigurado na makukuha ni Cayetano ang puwesto.
Ayon naman kay Albay Rep. Joey Salceda, posibleng masaktan si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano sa kahihinatnan ng naturang breakfast meeting at maunsyami ang inaasam na maging speaker ng Kamara.
Subalit sa inilabas na larawan ni Cayetano kasama si Paolo, tinanggap na umano ng huli ang kanyang alok para maging deputy speaker for political affairs.
Ang breakfast meeting ay gaganapin sa South Lounge ng Kamara.
Nilinaw naman ni Salceda na dadalo rin sa nasabing breakfast meeting si Cayetano at pagkatapos nito ay magkakaroon din siya ng sariling breakfast meeting sa mga kaalyadong kongresista.
- Latest