Sa pinakabagong survey na inilabas ng Pulse Asia, bilib pa rin ang mayorya sa trabahong ginagawa ni Robredo, na nakakuha ng 55% approval rating sa ikalawang quarter ng taon, mataas ng anim na puntos kumpara sa nakuha niya noong Marso.
Boy Santos
Tiwala ng mga Pinoy kay VP Leni lumakas
(Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lalo pang dumarami ang mga Pilipino na nagtitiwala kay Vice Pres. Leni Robredo, na patuloy lamang sa kaniyang trabaho kahit kapos sa pondo at kaliwa’t kanan ang pagsubok sa kaniyang mandato.

Sa pinakabagong survey na inilabas ng Pulse Asia, bilib pa rin ang mayorya sa trabahong ginagawa ni Robredo, na nakakuha ng 55% approval rating sa ikalawang quarter ng taon, mataas ng anim na puntos kumpara sa nakuha niya noong Marso.

Lumalakas pa ang tiwala ng taumbayan kay Leni, na nakatanggap ng 52% trust rating sa June 2019 survey, 5 puntos ang itinaas mula unang bahagi ng taon.

Ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez, nagpapasalamat sila sa suporta at tiwalang natatanggap at magsisilbi itong inspirasyon para lalo pang paghusayan ni VP Leni ang kaniyang trabaho—lalo na para sa mga nangangailangan.

Umarangkada ang suporta kay Leni sa Mindanao, sa 57% trust rating, o pagtaas ng 14 percentage points mula Marso. Hanga rin sa kaniya ang mas maraming taga-Mindanao, na binigyan siya ng 63% approval.

Solid din ang Visayas para kay Robredo, na nakatanggap ng 66% approval at 58% trust rating. Bumuti rin ang ratings nito sa Luzon, 52% approval at trust ratings. 

Maugong naman ang tiwala kay Robredo ng mga nasa laylayan o nasa Class D at E sa 52% at 56%. 

Aprub din ang mas maraming Pilipino sa trabahong ginagawa ni Leni na binigyan ng 42% approval ng Class ABC habang 54% ng Class D at 60% ng Class E.

LENI ROBREDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with