Sinabi ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin na tatawagin itong “Supreme Court of the Philippines.”
KJ Rosales
SC apps inilunsad
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - July 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pormal nang inilunsad ng Korte Suprema ang kanilang mobile application na dinisenyo upang mas magkaroon ng access ang publiko sa hudikatura.

Sinabi ni Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin na tatawagin itong “Supreme Court of the Philippines.”

Ang application ay mayroong apat na feature na kinabibilangan ng Judiciary Memorabilia Hall, court locator, listahan ng mga lisensiyadong abogado, at isang Court directory.

Ang ilang impormasyon tungkol sa korte at kasaysayan nito ay maaaring mabuksan sa pamamagitan ng pag-scan ng QR code na matatagpuan sa Judiciary Memorabilia Hall sa Old Building ng SC sa kahabaan ng Padre Faura St. sa Manila. 

Ayon kay Court spokesman Brian Hosaka, layunin ng naturang feature na maanyaya ang publiko na bisitahin ang naturang hall.

Ang application ay inilunsad tatlong buwan lang ang nakakalilipas matapos magsagawa ang Korte ng pagbabago sa website kung saan makikita ang bagong e-library na naglalaman ng mga desisyon ng SC at ng Court of Appeals, mga batas, executive issuances, treaties, at iba pang mga reference.

Dagdag pa ng SC, ma­a­ari nang idownload ang application sa Google Play Store at Apple App Store.

KORTE SUPREMA LUCAS BERSAMIN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with