^

Bansa

Wala kaming alam d’yan - Palasyo

Joy Cantos, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Wala kaming alam d�yan - Palasyo
Ayon kay Presidential Communications Sec. Martin Andanar, walang anumang kamay ang Executive branch sa ginawang paghahain ng asuntong sedisyon ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa DOJ gamit ang sworn statement ni Peter Advincula alias “Bikoy.”
Photo by OVP

Sa sedition vs Leni, et al

MANILA, Philippines — Walang kinalaman ang Malacañang sa reklamong sedition na isinampa laban kay Vice Pres. Leni Robredo at iba pa kaugnay ng viral video na “Ang Totoong Narcolist” na nagdadawit sa ilang miyembro ng pamilya ni Pangulong Duterte sa drug trade.

Ayon kay Presidential Communications  Sec. Martin Andanar, walang anumang kamay ang Executive branch sa ginawang paghahain ng asuntong sedisyon ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa DOJ gamit ang sworn statement ni Peter Advincula alias “Bikoy.” 

Inihayag pa ni Anda­nar na napakaraming trabahong inaatupag  ang Pangulo gaya ng pag­tutok sa korupsyon at iba pa kaysa panghimasukan pa nito ang ibang mga bagay.

Sinabi rin ni PNP Chief General Oscar Albayalde na ito’y bahagi lamang ng im­bestigasyon ng PNP-CIDG at hindi idinikta ng Palasyo.

Hindi anya nakikisawsaw sa hidwaan sa pulitika ang PNP kung saan nakapokus lamang sila sa mandato ng PNP at sa sinumpaan nitong tungkulin sa bayan at mamamayan ng bansa.

Bukod sa sedition, reklamong cyber libel, libel, estafa, harboring a criminal and obstruction of justice din ang kinakaharap ni Leni kasama ang mga opposition senators na sina Leila de Lima at Risa Hontiveros ganundin si ex-Sen. Antonio Trillanes habang kasama rin sa mga respondents ang ilang senatorial candidates ng Otso Diretso maliban kay Mar Roxas at ilang mga pari.

Samantala, bumuo na ng 3-man panel ang Department of Justice na magsisiyasat sa kasong isinampa ng CIDG laban kay Leni at iba pa.

Tiniyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra na magiging patas ang imbestigasyon dahil pinagbabatayan pa rin ang ebidensiya.

Sakaling makitaan ng probable cause sa kaso maaari na itong isampa sa korte. (Dagdag ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

LENI ROBREDO

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with