^

Bansa

Missing Grades 11, 12 nirecruit daw ng NPA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Missing Grades 11, 12 nirecruit daw ng NPA
Sa pulong-balitaan kahapon sa MPD, lumuluhang ikinuwento ng mga magulang ng apat na menor de edad na estudyante ang kanilang nararanasang takot para sa kanilang mga anak na babae na pawang nasa 16 at 17 anyos at nasa Grade 11 at Grade 12.

MANILA, Philippines — Nagpasaklolo sa Manila Police District (MPD) at Manila-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga magulang ng ilang senior high school students sa pribado at pampublikong unibersidad sa Maynila para mabawi mula sa New People’s Army (NPA) ang mga nawawalang anak.

Sa pulong-balitaan kahapon sa MPD, lumuluhang ikinuwento ng mga magulang ng apat na menor de edad na estudyante ang kanilang nararanasang takot para sa kanilang mga anak na babae na pawang nasa 16 at 17 anyos at nasa Grade 11 at Grade 12.

Nagmula pa sa lalawigan ng Batangas, Pasay at Quezon City ang mga ina at ama ng mga nawawalang estudyante na nagtungo kahapon sa MPD para sa pormal na reklamong ihahain nila sa Department of Justice (DOJ).

Kabilang sa isinalaysay ng mga magulang na ang kanilang mga anak ay nagtutungo sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila at kalapit na lalawigan kabilang ang Bulacan na anila’y para sa mga pagpupulong.

Sinabi ni MPD acting Public Information Office chief, P/Major Ana Simbajon, na ipinoproseso pa nila ang kinakaila­ngang dokumento sa planong paghahain ng kaso sa DOJ laban sa mga ini­rereklamong militanteng grupo.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with