Ayon kay Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin, wala siyang nakikita na dapat nang panghimasukan ng ibang bansa ang kaso. Hindi rin umano niya maaaring pangunahan ang Department of Foreign Affairs hinggil sa isyu.
Imbestigasyon ng ibang bansa sa drug war ‘di kailangan - SC
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - July 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na kailangan pa ang panghihimasok ng ibang bansa sa usapin ng drug war matapos na maglabas ng resolus­yon ang United Nations Human Rights Council (UNHRC) hinggil dito.

Ayon kay Supreme Court  Chief Justice Lucas Bersamin, wala siyang nakikita na dapat nang panghimasukan ng ibang bansa ang kaso. Hindi rin umano niya maaaring pangunahan ang Department of Foreign Affairs hinggil sa isyu.

Ang UNHRC resolution ay suportado ng 18 bansa at hindi pinaboran ng 14  bansa kabilang ang Pilipinas at China habang 15 bansa ang nag-abstain kabilang ang Japan. 

Paliwanag ng Mala­kanyang, hindi nakakuha ang UNHRC ng simple majority na 47. 

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nareresolba ng Korte Supreme ang usapin sa constitutionality ng war on drugs.

Samantala, nagsampa na ng reklamo ang mga kritiko  ni Duterte sa International Criminal Court dahil sa drug war-related killings.

Bagamat isinasagawa na ang preliminary examination  sinabi ni Pangulong Duterte na walang hurisdiksiyon ang ICC sa kaso.

DRUG WAR UNITED NATIONS HUMAN RIGHTS COUNCIL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with