Sinabi ni Antonio Macalan, Cagayan Provincial Disaster chief, kapwa pagkalunod ang ikinamatay ng dalawang biktima mula sa mga bayan ng Lallo at Gattaran sa Cagayan.
Courtesy of Ivy Rose delas Alas
4 patay kay ‘Falcon’
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - July 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Apat ang nasawi habang mahigit 20 barangays ang lumubog sa baha sa Luzon at Visayas dulot ng malalakas na pag-ulan ng bagyong Falcon na pinatindi pa ng southwest monsoon rains.

Sinabi ni Antonio Macalan, Cagayan Provincial Disaster chief, kapwa pagkalunod ang ikinamatay ng dalawang biktima mula sa mga bayan ng Lallo at Gattaran sa Cagayan.

Samantala sa Zambales ay dalawa rin ang nalunod matapos umanong mag-inuman nang tangayin ng ma­lakas na agos ng ilog sanhi ng bagyo.

Patuloy pang bineberipika ng Office of Civil Defense (OCD) 3 ang report at pagkakakilanlan ng mga biktima.

Sa kabuuan, nakaapekto ang bagyo sa tinatayang 391 pamilya sa 12 barangays sa Northern Luzon na nagpabaha rin sa limang barangay sa Oriental Mindoro at Albay.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, siyam na kalsada at tulay ang naapektuhan sa Cordillera Administrative Region at Region 1.

Nagdulot din ito ng landslide sa Libon, Albay at San Gabriel, La Union.

Binaha rin ang mga barangay sa Luzon at Visayas sanhi naman ng monsoon rains umpisa nitong mga nakalipas na araw sa Iloilo City, Aklan at Albay.

Kahapon ay lalo pang lumakas ang tropical storm Falcon habang papalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, mula sa 65 kph ay naging 75 kph na ang taglay na hangin ng bagyo, habang may pagbugsong 90 kph.

Huli itong namataan sa layong 385 km hilaga hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Kumikilos nang pahilaga sa bilis na 20 kph.

Sa kasalukuyan, nakataas ang signal number one sa Batanes, habang ibinaba na ang mga babala sa ilan pang mga lugar.

Samantala, patuloy na binabantayan ang paglakas ng low pressure area (LPA) na nasa 250 km kanluran hilagang kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.

Inaasahang magiging ganap itong bagyo sa susunod na mga oras at tatawaging “Goring”. Angie Dela Cruz

FALCON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with