Martial law sa Metro Manila posible
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - July 19, 2019 - 12:00am

Dahil sa Sulu suicide bombing

MANILA, Philippines – Posibleng magdeklara ng Martial Law si Pa­ngulong Rodrigo Duterte kapag umabot sa Metro Manila ang mga terorista kasunod ng naganap na suicide bombings sa Indanan, Sulu.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sineseryoso ng Pangulo ang naganap na twin bombing sa Indanan na kagagawan ng mga Pinoy suicide bombers.

Sabi ni Panelo, mapipilitan ang Pangulo na gamitin ang kanyang kapangyarihang magdeklara ng Martial Law kapag umabot sa Metro Manila ang mga terorista na mula sa Sulu na kilalang balwarte ng Abu Sayyaf.

“Yon nga ang ki­na­­katakot niya kasi may suicide bomber na. Lubha siyang nag-aalala rito. Kaya ‘di ba nagbabala siya sa mga kaaway ng estado, ‘wag ninyo akong pilitin. Hindi ko haha­yaang magkawatak-watak ang bansang ito,” sabi ng presidential spokesman.

“Maaari siyang magdeklara ng martial law, maaari siyang magdeklara ng revolutionary government, magagamit niya ang ibang emergency powers sa ilalim ng Konstitusyon para sawatahin ang karahasan o anumang pagtatangkang wasakin ang republikang ito,” diin ni Panelo.   

Ayaw anya ng Pa­ngulo na dumating ang pagkakataon na mapipilitan itong gamitin ang kapangyarihan nitong magdeklara ng martial law sa Metro Manila.

Magugunita na 8 ang nasawi sa nangyaring twin bombing sa isang kampo sa Indanan, Sulu na kagagawan ng 2 suicide bombers na lumitaw na mga Pinoy sa kabila na nasa ilalim ng martial law ang Mindanao.

 

MARTIAL LAW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with