Itataas na rin ng PNP sa full alert status ang 195,000 puwersa nito umpisa alas-6 ng umaga sa Sabado.
Edd Gumban
PNP 100% handa na sa SONA
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - July 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Tiniyak ni PNP Chief General Oscar Albayalde na 100 porsiyento na ang level of preparation ng kapulisan kaugnay ng gaganaping State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte sa Lunes, Hulyo 22.

Itataas na rin ng PNP sa full alert status ang 195,000 puwersa nito umpisa alas-6 ng umaga sa Sabado.

Nasa 14,000 pulis ang idedeploy sa SONA kung saan 8,500 dito ay pupuwesto sa mismong venue malapit sa Batasan Complex at security sites.

Ang karagdagang 1,000 ay augmentation forces kabilang na ang tropa ng mga sundalo.

Inihayag ni Albayalde na wala silang natatanggap na security threat pero mas mabuti na ang nakahanda sa lahat ng oras upang mapigilan ang mga grupong posibleng manabotahe sa SONA.

Sinabi nito na maghihigpit sila sa seguridad kabilang na ang pagpakalat ng intelligence monito­ring team sa rally site upang mabigyang proteksyon ang mga demons­trador na mapasukan ng mga inflltrators mula sa komunistang grupo.

Ipatutupad din ang pagpatay ng mga cellphone signal habang ipagbabawal ang pagpapalipad ng mga drones sa mga sibilyan at ta­nging security forces lamang ang may kapangyarihang gawin ito.

SONA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with