Nauna nang hinikayat ni Brent de Jesus, spokesperson ng Transparency in Public Service (TIPS), si Guerrero na magsumite ng courtesy resignation kung saan iginigiit niya ang prinsipyo ng command responsibility.
Photo courtesy of the AFP- Eastern Mindanao Command Facebook page
BOC chief hinging panagutin sa corruption
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nais papanagutin ng mga kongresista si Bureau of Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero dahil pa rin sa command responsibility kaugnay ng umano’y corruption sa BOC.

Paliwanag nina Parañaque City Rep. Joy Tambunting at Gabriela Rep. Arlene Brosas, dapat harapin ni Guerrero ang accountability para sa ahensiya lalo pa at kilala ang BOC sa korupsyon kaya kailangan ng decisive action ng ahensiya kaya ang command responsibility ay nararapat.

Nauna nang hinikayat ni Brent de Jesus, spokesperson ng Transparency in Public Service (TIPS), si Guerrero na magsumite ng courtesy resignation kung saan iginigiit niya ang prinsipyo ng command responsibility.

Noong Sabado ay inihayag din ng BoC na handa silang palitan ang 64 empleyado na sisibakin ni Pangulong Duterte dahil sa alegasyon ng katiwalian.

Sinibak naman ni Guerrero ang kanyang sariling Chief of Staff na si Teodoro Jumamil, dahil na rin umano sa korupsyon.

Noong nakaraang linggo ay ibinunyag ni Atty. Erastus Sandino Austria, dating BOC spokesperson at district collector sa Manila International Container Port (MICP), na ang P1 billion shabu entrapment na pinapalutang ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakuha sa warehouse sa Malabon City ay gawa-gawa lamang.

CORRUPTION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with