Sa inilabas na reso­lusyon ng PET, masyado pang maaga para sabi­hing pinagtibay ng resulta ng manual recount ng mga boto mula sa Camarines Sur, Ilo-Ilo at Negros Oriental ang panalo ni Robredo noong 2016 elections.
Photo by OVP
Petisyon ni Leni vs Marcos ibinasura
Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - July 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang mosyon ni Vice Pres. Leni Robredo na desisyunan na ang election protest laban sa kanya ni dating vice presidential candidate Bongbong Marcos.

Sa inilabas na reso­lusyon ng PET, masyado pang maaga para sabi­hing pinagtibay ng resulta ng manual recount ng mga boto mula sa Camarines Sur, Ilo-Ilo at Negros Oriental ang panalo ni Robredo noong 2016 elections.

Sinabi ng PET na kailangan pang salain ang mga dokumento at ebidensiya bago maglabas ng desisyon sa kaso.

Ayon sa korte, hindi pa nakukumpleto ang pro­seso sa election protest tulad ng judicial recount, revision at appreciation ng mga boto sa mga napiling probinsya ni Marcos.

Samantala, isinantabi rin ng PET ang mosyon ni Marcos na suriin ng korte ang mga lagda at thumbprints sa voter identification documents mula sa Lanao Del Sur, Maguin­danao at Basilan.

 

LENI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with