Binabantayan ngayon ang isang low pressure area na kaninang alas-tres ng hapon ay nasa layong 310 kilometro kanluran hilagangkanluran ng Sinait, Ilocos Sur na maaaring maging bagyo sa loob ng 36 oras.
Released/Pagasa
Sa paglabas ni 'Falcon,' panibagong tropical depression namumuo malapit sa Ilocos
James Relativo (Philstar.com) - July 18, 2019 - 7:23pm

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Pagasa na nakalabas na ng Philippine area of responsibility ang Tropical Storm Falcon Huwebes ng hapon.

Namataan ang mata ni "Falcon" 655 kilometro hilaga hilagangsilangan ng Basco, Batanes kaninang alas-kwatro ng hapon.

May lakas pa rin itong hangin na 80 kilometro kada oras malapit sa gitna habang may pabugso-busong hangin na 100 kilometro kada oras.

Kumikilos ito pa-hilaga sa bilis na 25 kilometro kada oras.

Sa kasalukuyan, wala nang nakataas na tropical cyclone wind signal sa bansa.

Panibagong bagyo?

Samantala, isa na namang sama ng panahon ang nagbabadyang madama sa bansa ayon sa severe weather bulletin na inilabas ng weather bureau alas-singko ng hapon.

Binabantayan ngayon ang isang low pressure area na nasa layong 310 kilometro kanluran hilagangkanluran ng Sinait, Ilocos Sur kaninang alas-tres ng hapon.

"This LPA may develop into a Tropical Depression within 36 hours," babala ng Pagasa.

(Maaaring lumakas pa ang LPA at tuluyang maging tropical depression sa loob ng 36 oras.)

Inaasahang tumama ang dalawa hanggang tatlong tropical cyclones ngayong buwan.

Patuloy na mga pag-ulan

Samantala, mararanasan pa rin ang katamtaman hanggang paminsan-minsang malalakas na pag-ulan sa rehiyon ng Ilocos, Zambales at Bataan ngayong araw.

Mahihina hanggang katamtamang pag-ulan naman ang tinatamasa ngayon ng Kamaynilaan at natitirang bahagi ng Luzon.

Inaabisuhan naman ngayon ang mga residente ng mga naturang lugar, lalo na yaong mga nakatira sa mga madalas bahain at tamaan ng landslide, na mag-ingat.

"Sea travel is risky over the seaboards of Luzon (Delikado pa rin ang paglalayag sa mga sseaboard ng Luzon)," patuloy ng Pagasa.

FALCON LOW PRESSURE AREA PAGASA TROPICAL DEPRESSION TROPICAL STORM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with