Ayon sa mga survey ng Pulse Asia noong Marso 23-27 at Hunyo 24-30, nakuha ni Cayetano ang nasa kalahati ng mga boto sa kanilang mga poll, malayung-malayo sa iba pang matunog din na pangalan sa pagka-Speaker.
Cayetano top choice sa Speakership - survey
(Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos iendorso ni Pangulong Duterte bilang susunod na House Speaker, lumalabas na si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano din pala ang pinili ng nakararaming Pilipino para sa posisyon.

Ayon sa mga survey ng Pulse Asia noong Marso 23-27 at Hunyo 24-30, nakuha ni Cayetano ang nasa kalahati ng mga boto sa kanilang mga poll, malayung-malayo sa iba pang matunog din na pangalan sa pagka-Speaker. 

Sa survey noong Marso, 44 porsiyento ang bumoto para sa dating Senador. Kasunod niya sa listahan sina dating Bise Presidente Jejomar Binay, 16%; dating Speaker Pantaleon Alvarez, 12%; Rep. Martin Romualdez, 5%; at Rep. Lord Allan Velasco, 1 porsiyento.

Pabor din sa kanyang pagiging House Speaker ang mga Pilipino kung susuriin ayon sa kasarian, edad at pinag-aralan.

Sa survey nitong Hunyo, lumaki pa ang suporta kay Cayetano sa 65 porsiyento ng mga Pilipino. Nasa 52 porsiyento ang lamang niya sa pinakamalapit niyang kalaban, si Alvarez (13%). Nakakuha ng 8% si Romualdez at 6% si Velasco. Ang iba ay nakakuha ng 0.1 percent lamang.

Nanguna rin siya sa Metro Manila (56%), Luzon (68%), Visayas (64%) at Mindanao (65%).

Ang resulta ng mga survey ay nakabase sa pa­nayam sa 1,200 representative adults edad 18 pataas.

Sa larangan ng kakayahan at karanasan, naka-aangat din si Cayetano laban sa iba pang nagha­hangad maging Speaker.

ALAN PETER CAYETANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with