Digong most trusted pa rin - Pulse Asia
Rudy Andal, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napanatili ni Pangulong Duterte ang pi­naka-pinagkakatiwalaang opis­yal ng pamahalaan sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Sa latest survey ng Pulse Asia mula June 24-30, 85 percent ang nakuhang approval at trust ratings ni Pangulong Duterte kumpara sa 55 percent approval ratings lamang ni Vice Pres. Leni Robredo at 52% trust rating.

Nakakuha lamang ng 3% disapproval ang Pangulo habang nasa 11% ang undecided.

Nakakuha rin ng 77% approval rating si Senate President Vicente Sotto III at 73% trust rating habang si former House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang nakakuha ng pinakamababang marka na 26% approval at 22% trust rating.

Nagpasalamat naman ang Malacañang sa patuloy na pagtitiwala ng taumbayan kay Pa­ngulong Duterte.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with