Sinabi ni Pangulong Duterte, hindi siya sasagot sa anumang tanong mula sa isang Caucasian dahil may gumaganang judicial system ang Pilipinas.
Duterte hindi haharap sa international tribunal
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Siniguro ni Pangulong Duterte na hinding-hindi siya haharap sa paglilitis sa anumang foreign body kaugnay sa kinukuwestyong drug war ng kanyang administrasyon.

“Look, as I have told you before, ladies and gentlemen of the world, I will only face, be tried or face a trial in a Philippine court, presided by a Filipino judge. Prosecuted by a Filipino. And maybe they can reimpose death penalty and die in Filipino land,” wika ng Pangulo.

Sinabi ni Pangulong Duterte, hindi siya sasagot sa anumang tanong mula sa isang Caucasian dahil may gumaganang judicial system ang Pilipinas.

Magugunita na naghain ng resolusyon ang Iceland na sinuportahan ng 17 bansa sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) upang imbestigahan ang human rights situation sa Pilipinas gayundin ang extra judicial killings sa drug war ng gobyerno.

“I will not answer a Caucasian, asking question white man there. You must be stupid. Who are you? I am a Filipino. We have our courts here. You have to bring me somewhere else? I would not like that. I have my country. It’s working. I know it’s working. Justice is working here,” dagdag pa ng Pangulo.

Aniya, puwedeng manghimasok lamang ang anumang foreign entities kung mayroong “total breakdown” sa justice system ng bansa at walang sinuman ang nalilitis.

DRUG WAR RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with