Tiniyak ito ni Health Sec. Francisco Duque III dahil wala pa ring siyentipikong basehan ang makakapagsabi kung talagang epektibo ang bakuna kontra dengue.
Dengvaxia ‘di na ibabalik ng DOH
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na ibabalik ng pamahalaan ang kontrobersyal na Dengvaxia.

Tiniyak ito ni Health Sec. Francisco Duque III dahil wala pa ring siyentipikong basehan ang makakapagsabi kung talagang epektibo ang bakuna kontra dengue.

Ito’y kasunod ng kontrobersyang pumutok noong nakaraang taon kung saan marami umanong namatay matapos maturukan ng Dengvaxia.

Sa kabila nito, nilinaw din ng kalihim na hindi pa maaaring sabihin na ang naturang anti-dengue vaccine nga ang sanhi ng mga kaso ng pagkamatay.

Nitong Lunes idineklara ng DOH ang national dengue alert dahil sa biglang lobo at patuloy na pagtaas ng bilang ng dengue patients mula Enero.

DENGVAXIA FRANCISCO DUQUE III
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with