^

Bansa

Duterte sa US: Magpadala kayo ng barko sa China sa ilalim ng Mutual Defense Treaty

James Relativo - Philstar.com
Duterte sa US: Magpadala kayo ng barko sa China sa ilalim ng Mutual Defense Treaty
"I would like America to gather all their 7th Fleet in front of China. I'm asking them now. I will join them," patuloy ng presidente.
AFP/Robinson Niñal

MANILA, Philippines — Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Estados Unidos na ipatupad ang Mutual Defense Treaty sa gitna ng patuloy na girian ng Pilipinas at Tsina sa West Philippine Sea.

"I'm calling now America. I'm invoking the RP-US pact," sabi niya sa programang "Give Us This Day" ni Pastor Apollo Quiboloy na umere Miyerkules.

(Nananawagan ako sa Amerika. Nakikiusap akong gamitin ang RP-US pact.)

Tinutukoy niya ang MDT sa pagitan ng Pilipinas at Amerika, na pinirmahan ng dalawang panig taong 1951.

"I would like America to gather all their 7th Fleet in front of China. I'm asking them now. I will join them," patuloy ng presidente.

"When the Americans say, 'We're here now, ready,' I will press them," dagdag niya.

(Kapag sinabi ng mga Amerikano na "Nandito na kami, handa na")

Ngunit ang MDT—ayon na rin sa pangalan ng tratado—ay para sa depensa at hindi para sa pag-atake ng Pilipinas o ng Amerika sa ibang bansa.

MDT: Kailan pwedeng gamitin?

Kung sisilipin ang Article II ng tratado, sinasabing gagampanan ng mga partido (US at Pilipinas) ang kanilang papel para "tulungan ang sarili" at "magtulungan" para mapanatili at mapahusay ang kanilang indibidwal at magkatuwang na kapasidad para tutulan ang anumang atake.

Gayunpaman, sinasabi ng Article IV nito na gagawa lang ng hakbang ang bawat partido oras na magkaroon na ng atake.

"Each Party recognizes that an armed attack in the Pacific area on either of the Parties would be dangerous to its own peace and safety and declares that it would act to meet the common dangers in accordance with its constitutional processes."

Oras na magkaroon ng pag-atake at tugon dito, agad naman dapat maiulat ito sa Security Council ng United Nations.

Hindi rin basta-bastang atake ang pwedeng makapagpagana rito.

Ayon sa Article V ng tratado:

"[A]n armed attack on either of the Parties is deemed to include an armed attack on the metropolitan territory of either of the Parties, or on the Island territories under its jurisdiction in the Pacific Ocean, its armed forces, public vessels or aircraft in the Pacific.

Duterte, sasakay raw ng barko ng US kasama si Carpio

Wika pa ni Digong, sasakay siya sa barko kung saan naroon ang admiral ng Amerika, at dadalhin niya raw doon si Senior Associate Justice Antonio Carpio sampu ng kanyang mga kritiko.

Una nang sinabi ni Carpio na labag sa 1986 Constitution ang pagpayag ni Duterte na mangisda ang Tsina sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Ilang beses nang sinabi ni Duterte na hindi niya mapipiliit ang Tsina na sumunod sa 2016 ruling ng Permanent Arbitral Court, na nagbibigay ng ekslusibong karapatan sa Pilipinas sa West Philippine Sea na nasa loob ng EEZ ng bansa.

"[S]abi nila, ‘you have to ban China. I-prohibit mo’. Kung i-prohibit ko, how do I enforce my desire? Takot nga ang Amerika," sabi niya sa ika-122 aniberasyo ng Presidential Security Group.

"So gusto nila pumunta ako doon... Talagang giyera ‘yan."

Inanunsyo kahapon ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manual "Babe" Romualdez na nakatakdang mag-usap ang dalawang bansa para palakasin pa ang depensahan ng magkabilang panig sa Setyembre.

Una nang sinabi ni US Secretary of State Mike Pompeo nitong Marso na handa silang dumepensa sa Pilipinas oras na atakihin ang mga tropang Pilipino sa South China Sea, kung saan naroon din ang WPS.

"As the South China Sea is part of the Pacific, any armed attack on Philippine forces, aircraft or public vessels in the South China Sea would trigger mutual defense obligations under Article 4 of our Mutual Defense Treaty," ani Pompeo.

'End of Palawan'

Oras na mangyari raw ito, ibinabala naman ng presidente ang diumano'y "katapusan" ng Palawan.

"Maybe that would be the end of Palawan. Palawan may be devastated, occupied or there will be nuclear bombs," sabi pa ni Duterte sa palatuntunan ni Quibuloy, na kilalang supporter ng pangulo.

(Siguro 'yon na ang katapusan ng Palawan. Maaaring mawawasak ang Palawan, masakop o bagsakan ng bombang nukliyar.)

Nasa 280 nautical miles hilagangkanluran ng Puerto Princesa, Palawan ang Pag-asa Island, na pinag-aagawan ng Pilipinas at Tsina.

Kinikilala ito ng bansa bilang bahagi ng munisipalidad ng Kalayaan, Palawan.

"We will dry up. So nothing will grow here, we can just wait, just like a big hole coming our way, to suck us to eternity and then we can sing the 'Mona Lisa.' And they just lie there, and they die there," wika pa ng presidente.

(Manunuyot tayo. Kaya wala nang tutubo roon, maghihintay lang tayo, tulad ng malaking butas na paparating sa atin, para higupin tayo sa habampanahon at aawit tayo ng "Mona Lisa." Tapos hihiga sila doon, at mamamatay doon.)

 

vuukle comment

CHINA

MUTUAL DEFENSE TREATY

RODRIGO DUTERTE

UNITED STATES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with