Sa naturang July 15 episode, buhat ni Bu­ngo ang isa sa apat na policewoman at dinala sa isang tagong lugar na hideout ng sindikato para pagsamantalahan.
‘Ang Probinsyano’ binanatan ng PNP, netizens
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - July 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dismayado ang Philippine National Police (PNP) at mga netizen sa isang eksena ng sikat na teleseryeng “Ang Probinsyano” matapos mag-trending sa social media ang “gang rape” sa dalawang unipormadong mga babaeng pulis ng mga miyembro ng criminal syndicate na pina­ngungunahan ni Bungo (karakter ng aktor na si Baron Geisler).

Sa naturang July 15 episode, buhat ni Bu­ngo ang isa sa apat na policewoman at dinala sa isang tagong lugar na hideout ng sindikato para pagsamantalahan.

Dalawang miyembro ng gang naman ang hawak ang mga kamay ng ibang babaeng pulis habang ang iba ay umaabuso sa mga ito.

“Sobra na po ang pinapakita ninyo sa inyong palabas. Sana po mas maging sensitibo kayo sa inyong mga manonood! Hindi po nakakabuting ipakita ang panggagahasa at pambabastos sa mga babae,” sabi ng isang netizen.

Isa pang babae na tila isa ring pulis sa totoong buhay ay bumatikos sa palabas at nagsabing isa itong paglapasta­ngan sa uniporme ng pulis.

Ilan pang netizen ang nagsasabing sensitibong isyu ang rape para ipakita sa TV show bukod sa nagpapakita ng masamang halimbawa sa mga bata.

Dahil dito, nanganga­nib na namang magkalamat ang relasyon sa pagitan ng PNP at ng mga opisyal na namamahala sa nasabing sikat na soap opera na pinagbibidahan ng aktor na si Coco Martin.

Sinabi ni PNP acting spokesperson Police Lieutenant Col. Kimberly Molitas na rerepasuhin nila ang nilagdaang Me­morandum of Understanding (MOU) sa Production Staff ng “Ang Probinsyano”.

Nakasaad sa MOU sa pagitan ng PNP at ABS-CBN na hindi na sisirain muli ang imahe ng kapulisan sa mata ng publiko.

Idinagdag pa nito na sakaling mapatunayan na may nilabag na naman ang naturang programa ay malaki ang posibilidad na bawiin nila ang kasunduan.

ANG PROBINSYANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with