^

Bansa

Kamara 3 araw naka-lockout

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Kamara 3 araw naka-lockout
Sa advisory na inilabas ni House acting Secretary General Roberto Maling, epektibo ang lockout policy sa Hulyo 19-21, 2019. Hindi papayagang makapasok ng Batasan complex ang sinumang walang official business dito, gayundin ang mga sasakyang walang stickers na inisyu ng Kamara. Ito’y para masiguro ang kaayusan at seguridad bago ang nakatakdang SONA.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Magpapatupad ng tatlong araw na lock-out policy ang Kamara bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte sa Lunes, Hulyo 22.

Sa advisory na inilabas ni House acting Secretary General Roberto Maling, epektibo ang lockout policy sa Hulyo 19-21, 2019. Hindi papayagang makapasok ng Batasan complex ang sinumang walang official business dito, gayundin ang mga sasakyang walang stickers na inisyu ng Kamara. Ito’y para masiguro ang kaayusan at seguridad bago ang nakatakdang SONA.

Ang maaari lamang umanong pumasok dito ay ang mga empleyado at non-employees tulad ng media personnel, caterers at contractors sa mga nabanggit na araw kung kasama ang kanilang pangalan sa isinumite ng Office of the Executive Director, Legislative Security Bureau.

Muli ring nagpaalala ang Kamara sa pagsusuot ng SONA 2019 ID sa mismong araw nito, paglala­gay ng car pass sa mga sasakyan na papasok ng Batasan, parking restrictions at pagsusuot ng business attire sa mga media na magko-cover, habang Filipiniana at Barong para sa mga bisita.

vuukle comment

2019 SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with