Nakasaad sa Twitter account ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na ipinapanukala na niya sa Comelec en banc na maglabas ng polisiya at gawing libre ang pagbibigay ng naturang sertipikasyon sa mga botante.
Geremy Pintolo
Voter’s certification gagawing libre ng Comelec
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - July 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan ng Commission on Elections (Comelec) na gawing libre ang voter certification sa mga rehistradong botante sa bansa na nangangaila­ngan nito.

Nakasaad sa Twitter account ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na ipinapanukala na niya sa Comelec en banc na maglabas ng polisiya at gawing libre ang pagbibigay ng naturang sertipikasyon sa mga botante.

Paliwanag ni Guanzon, maaaring magamit ng mga mamamayan, partikular na ng mga kasambahay, ang naturang voter certification bilang isang balidong Identification Card (ID) dahil makikita na rin dito ang kanilang larawan.

Hindi kasi nagustuhan ni Guanzon ang ginagawang pagkwestiyon ng ground crew ng isang airline sa mga kasambahay kung mayroon bang ID ang mga ito dahil napapahiya umano sila.

Aniya, walang batas na nagsasabi na hindi ka maaaring sumakay ng eroplano ng walang government ID.

Matatandaang itinigil na ng Comelec ang pag-iisyu ng voter’s ID sa mga botante noong pang 2012 matapos ang panukalang pagkakaroon ng national ID system sa bansa.

Dahil dito, upang patunayang isa kang rehistradong botante ay kinakailangan munang kumuha ng voter’s certification mula sa Comelec office.

COMMISSION ON ELECTIONS ROWENA GUANZON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with