^

Bansa

Philippines-Iceland diplomatic ties puputulin?

Patricia Lourdes Viray, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Philippines-Iceland diplomatic ties puputulin?
Pero sinabi ni Panelo na nasa desisyon na nina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at Pa­ngulong Rodrigo Duterte kung puputulin na ang relasyong diplomatiko sa Iceland.

MANILA, Philippines — Bukas ang pamahalaan ng Pilipinas na putulin ang diplomatikong relasyon nito sa Iceland makaraang isampa ng huli sa United Nations Human Rights Council ang isang resolusyong humihiling ng imbestigasyon sa anti-drug war sa bansa.

Ang Iceland at 17 iba pang bansa ay bumotong pabor sa pagpapatibay ng resolusyong nagmaman­dato sa konseho na repa­su­hin ang sitwasyon ng ka­­rapatang pantao sa Pilipinas.

Inakusahan ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang Iceland ng panghihimasok sa soberanya ng Pilipinas sa naturang deklarasyon.

Sa pagbanggit na walang embahada ang Pilipinas sa Iceland, sinabi ni Panelo na ikokonsi­dera ng pamahalaan ang sitwasyon ng mga manggagawang Pilipino sa Nordic island country sa desisyon nito.

Pero sinabi ni Panelo na nasa desisyon na nina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at Pa­ngulong Rodrigo Duterte kung puputulin na ang relasyong diplomatiko sa Iceland.

“Hahayaan natin ang ating Pangulo na magbigay ng kanyang pinal na hatol sa mga panawagan na putulin na natin ang ating pakikipag-ugnayan sa isang bansa kagaya ng Iceland,” wika ni Panelo.

vuukle comment

DIPLOMATIKONG RELASYON

UNITED NATIONS HUMAN RIGHTS COUNCIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with